Wednesday, April 24, 2019

Tungalian ng Tao at Kalikasan


Napapansin mo ba ang araw araw na paglaban ng kalikasan at mga istrakturang gawa ng mga tao? Kadalasan ito ay maliliit na bagay lamang kaya mahirap okayay hindi ito binibigyang pansin ng mga tao. Pero, kahit ito may maliliit at tribyal na bagay lang, kailangan parin natin ito bigyang atensyon dahil kapag ito ay napabayaan, maaaring tuloyang masira ang ating Ecosystem pati narin ang ating kaligtasan at kalusugan. Sa munting Blog na ito, ipapakita ko ang aking mga napansin sa aking kapaligiran na dapat bigyang pansin okayay dapat ayusin.

Mga walang modong mamamayan na tinatapon ang pinagkainan kung saan-saan.

Hindi maayos na pinagtatapunan ng basura.

Pagpapatayo ng mga sarisaring establishimento sa tabing dagat na maaaring maging sanhi ng kalat.

Pag putol ng mga punong gubat para lagyan ng mga kalsada.

Mga usok na nanggagaling sa mga kotse na nag dudulot ng pulosyon ng hangin.

 Dahan-dahang pagkawala ng ating gubat para pagtayuan ng mga naglalakihang gusali.

Pag patag ng mga kabundukan para pagtaniman ng mga palay at ibat ibang pananim.

Pagbabaw ng mga ilog dahil sa Global Warming.

Pagkamatay ng mga tinanim na damo dahil sa patuloy tuloy na linalakaran ng mga tao.

Pagkasira ng banketa dahil sa ugat ng puno.

Paglabas ng tubo sa lupa dahil rin sa ugat ng puno.

Mabilis at tuloy tuloy na paglawak ng mga syudad.

Bakanteng lote na hindi tatagal ay patatayuan rin ng malaking establishimento.

Pagtubo ng mga puno sa tabi ng matirik na dalisdis na magiging sanhi ng pagguho.

Mabilis na pagunlad ng komunidad at pagkawala ng ating kagubatan.



Sa mga ipinakita kong larawan, sana mamulat ang mga mamamayan sa mga posibleng panganib na pedeng magula sa pagbabalewala natin sa mga nakikita nating problema sa kalikasan. Sana mapangalagaan natin ang kalikasan, tulad ng nabanggit ng isang kanta mula sa aking kabataan, "Hindi nga masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan"